New year, new life, new me. Sabi ko pa naman magtatago ako sa araw na ‘to but then I realize why would I? Di ba dapat maging proud ako kasi I got a chance to stay alive and well? Hmn, definitely mamimiss ko yung last year. Well, I mentioned from my previous blog na 2022 was my recovery year, indeed it was. Naextend pa nga eh pero natatawa ako kasi everytime that I need to deal with a though decisions, I always ask God syempre sya at sya lang talaga ang makakatulong para mapadali ang lahat.
So ayun na nga, wala pa ako sa kalahati ng journey ko sa UK dream ko. after English exam and CBT akala ko medyo gagaan na but I was wrong mga ‘Mi!! Syempre kailangan nating dumaan sa interview at believe it or not fear ko ‘to! Pero may kasabihan nga, “Kung kaya nila, kakayanin ko din.” I have to stay focus sa dream kasi kung hindi baka mastuck nalang talaga ako sa lugar kung nasaan ako ngayon.
It took a lot of courage before I ended up looking for an agency that may help me to find a perfect employer. Natatakot talaga akong magpainterview. Take note, magsusubmit palang ako ng CV grabe na yung kaba ko mas mataas na kesa sa height ko! Initially, nagpasa ako sa isang Trust (Sensored) forda review ang ferson ‘Mi. Di nga kasi ako sanay makipag-usap and kagaya nga ng sabi ko sa previous blogs ko na di talaga naenhance yung self-esteem at confidence ko since I’ve been bullied by my Seniors (Fuck Them!) daig pa nila binili ang pagkatao ko.
Going back sa topic, my agent messaged me asking if I want to be interviewed sa isang trust and I said ‘okay’. Sabi ko sa sarili ko first and last interview ko na sana ito and grabeng dasal ko ‘Mi. Nung araw na yun di ko alam kung san hinugot yung kapal ng mukha ko basta sinagot ko yung mga tanong nila. Feeling ko nga sinaniban ako nun e parang hindi ako yun. Then ayun few days later the result was released and it came with positive result.
Narelieve ako ng sobra-sobra dun. If I’m not mistaken that was 1st of December. Then ito na nga, around January I received an invitation for an interview sa trust ng friend ko e sabi ko parang mas okay yun kasi atleast may makakasama ako dun sa place. I prayed for it again. Kasi nga yung journey ko going to UK ay isang wish granted. I prayed hard for it and sabi ko ‘Lord, I really wanted to escape those abusive people around me here as I don’t feel safe anymore. It is not healthy for me to stay here pa ng matagal especially sa mental aspect. Na if pwede yung paglagyan nya saking place ay malayo sa ganitong treatment sakin. Kung saan nya ako ilagay ipasa nya ako sa interview.’
For the second time, I passed the interview. Tapos sabi ko parang mas okay pa din talaga yung offer nung nauna so pinili ko pa din yung nauna.
Then akala ko okay na kasi sure na akong yung naunang Trust na yung pipiliin ko. Pero every time na magdedecide ako may naggaganap. Nainvite nanaman ako ng interview so sabi ko why not try wala namang mawawala kasi alam ko naman na sa sarili ko kung sino ang pipiliin ko.
Imagine di ko namamalayan, nawala yung fear ko sa interview. Less kaba and kahit papano relax na akong makipag-usap, hopefully magtuloy-tuloy na. So bakit ko ‘to sinasabi? Gusto kong mainspire sa mga nawawalan na ng pag-asa, sa mga taong labis na nafrufrustrate at sa mga taong kagaya ko naging biktima ng mga taong nakakalungkot mang sabihin pero walang gusto kundi saktan ka emotionally at gawing mababa ang tingin mo sa sarili mo. Kapatid, pulutin mo ang sarili mo step-by-step. Hayaan mo sila kasi sad life ang childhood nila! matapang lang naman sila actually sa mga taong kaya nila pero ang totoo darating din ang time na si God mismo ang gagalaw para ipunish yung maling ginawa/ginagawa nila sayo. Karma is a bitch! Hindi man sila humingi ng tawad sakin? Pinatawad ko na sila. Besides, mas nakakaawa sila. Ang importante hindi ka masamang tao at di ka nananakit ng ibang tao.
Maaaring malalim ang sugat ngayon pero ‘Mi maghihilom din yan. Sa ikatlong pagkakataon, pinalad pa din akong makapasa at dahil dito narealize ko na hindi naman pala ako ‘bobo’. Pero desidiso pa din ako sa Trust na pupuntahan ko not until I received an offer na more than pa dun sa offer nung Trust na nauna nashake ako dito ng husto ‘Mi grabe kasi yung offer na hanggang ngayon napapaisip ako, “shet totoo ba to? kaya ko kaya tong post na to? sobrang bago nito sakin” pero kasi yung offer parang ano bihirang opportunity lang sya! pag pinakawalan mo, pagsisisihan mo talaga. Sabi ko try kong magpainterview pero pinagdasal ko ulit na “kung kaloob mo na dito ako magwork Lord, ipasa mo ako.” ‘Mi di ko alam kung san ko nahugot yung mga sinagot ko pero shock nakapasa ako. Kaya naman ang Lola mo, nawindang di na alam sino sa apat ang pipiliin talaga?
Ilang gabi ko din talaga itong pinag-isipan. madaming tao na malapit sa puso ko ang pinagtanungan. Alam mo yun patunay na blessed ako sa opportunity na pinagkaloob nya sakin. Hindi ko deserve yung habag nya. pero tamo naman kapag humiling ka, ikaw ay pagbibigyan according sa time frame ni God. Always trust the process. Sa ngayon, may napili na akong Trust hopefully, di ko sya mabigo.
Sobrang thankful ko din talaga sa mga taong pinagkaloob nya sakin, Sa mga naniwalang kaya ko, sa mga hindi nagdoubt at sa mga taong sinamahan at tinutulungan akong pulutin yung lahat ng pieces ng buhay ko na nawala. Sa mga taong nagbubuild ngayon ng pagkatao ko na tanggap ako bilang ako. Sa mga kaibigang walang sawang nagbibigay ng support sakin at hindi sumuko na paalalahanan akong “okay lang maging hindi okay”.
Sa panibagong taon na ‘to sisiguraduhin kong mas matatag na ang Bella na haharap sa mundo.